Narito kami upang maglingkod sa inyo—kayo man ay bago lamang napinsala, naninirahang kasama ng paralitiko, o kaya nag-aalaga sa isang minamahal; ang aming hangarin ay mabigyan kayo ng mga impormasyon na kailangan upang mamuhay ng matiwasay, makapagpasiya base sa tamang impormasyong, at maunawaang mabuti ang paralisis, pinsala sa gulugod at ang iba pang kalagayan.
Hindi ka nag-iisa. Makakatagpo ka ng higit na lakas at kalinga sa pakikibahagi ng iyong mga karanasan sa iba at masusumpungan mo din ang mga kasagutan sa pinakamahahalaga mong katanungan. Ang Paralysis Resource Center ay handang tuulong sa iyo na matamo kung anuman ang hinahanap niyo, grupong suporta sa inyong kinaroroonan para matalakay ang natatanging paksa. Kayo ay makakakita rin ng mga ugnayan sa website, kapisanan at reperensyang kasulatan.
Sa website ng Paralysis Resource Center matatagpuan mo ang mga impormasyon tungkol sa iba’t-ibang kalagayan may kinalaman sa paralisis, at sa iba pang bahaging nasasangkot (pagmantene ng pantog at bituka, pagkontrol ng panghapdi, kalusugang sexo, pangangalaga ng kutis , pagsumpong-sumpong, etc.)
Ang PRC ay nagbibigay din ng detalyadong impormasyon sa aparatong paglalapat at pag-aayos na dulot ay ginhawa ng buhay (silyang de-gulong, pag-upo at sistema sa tamang posisyon, paligo, kusina at iba pang pag-babago sa tahanan, atbp.) o ng higit pang nakasisiyang gawain gaya pag-ensayo, pagbiyahe at paggamit ng kompyuter pansarili.
Maghanap sa PRC upang makita ang impormasyon tungkol sa seguro at sustento ng Medicare , at ng iba pang paksa may kaugnayan sa sistema ng pundong pang-kalusugan.
Kung hindi ninyo natagpuan ang inyong kailangan sa web site, maaari kang tumawag sa sinumang "Impormasyon Ekspert"—mga dalubhasang bihasa sa paralisis at sa anumang bagay may kaugnayan sa kalusugan at estilo ng pamumuhay—sa pamamagitan ng email o telepono (1-800-539-7309). O kaya, maaaring maglaan ng nauukol na panahon upang ang PRC "Impormasyon Ekspert"—ay tatawag sa inyo.
Inaasahan naming ito ay naging kapaki-pakinabang na karanasan para sa inyo, at ipagbigay alam din sa inyong mga kaibigan na bumisita rin sa PRC.
Salamat sa pagbisita. Mabuhay! At, tandaan, hindi ka nag-iisa.
Sa inyong lingkod,
Ang Kawani ng PRCM